Ito na ang aking pinakahihintay na sadali nang pagiging guro. Ang Paaralang Elementarya ng Nayon ay isang masaya at kapupulutan ng aral na lugar na malayo sa magulong mundo ng Maynila at kabayanan. Tila isa itong tagong lugar na nababalutan ng mga totoong pangyayari sa paaralan man o sa komunidad. Nang magsimula akong magturo dun ay napansin ko na ang mga bata ay kinabibilangan ng mga katutubong Dumagat at mga remontados maging may mga katulad din nating walang lahing katutubo. Ngunit sa kabila ng lahat ng aking karanasan ay tila nakikita ko ang pagbabago lalong-lalo na sa ating mga katutubo. Sila ay tunay na dapat na mabigyan ng pansin sa pag-aaral lalo na't walang gaanong katulad nila ang nakapagtatapos ng magandang kurso at mamuhay ng matiwasay. Kaya buhat ngayon ay patuloy namin silang pinapapayuhan na mag-aral ng mabuti at ng makatapos sa pag-aaral. Sana balang araw ay may lumapit sa akin na katulad nila na ipinagmamalaki at maging katulad din naming mga guro na hadang suungin ang anumang pagsubok maihatid lamang ang kaalaman at maisakatuparan ang bawat pangarap ng kanyang magiging estudyante.


Minsan na ako nagturo sa Nayon, kaya masasabi na ang lahat ng mga bata ay nangangarap din ng mabuting buhay. Kaya sa lahat ng kapwa ko guro wag nating ipagwalang pansin sila, dahil kahit sila ay nangangarap na minsan maging tulad natin sila na punong- puno ng pag-asa...at mapasaya ang kapwa nila.... Miss ko na ang mga taga-Nayon....
ReplyDeleteDi natin alam ang nasaisip ng bawat tao pero lahat ay may pangarap... kahit ano pa yan ,gusto rin nila ng magandang buhay... Encouragement.... nid nila yan.....
ReplyDelete