Wednesday, February 6, 2013

Ang Simula

Nagsimula ang lahat ng ako'y nagpasyang magturo sa Elementarya. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa isang lugar sa Sta. Ines. Wala akong kaalam-alam sa kung saan ang Paaralang Elementarya ng Nayon. Pagkaalis ko sa bahay at pumunta na ako sa paradahan kung saan aabangan ko ang isang biyaheng dyip na patungong sa lugar na iyon. Nang dumating na ang dyip, ako ay nagulat sa mga taong nakasakay sa taas ng bubong. Subalit wala akong magawa kundi sumampa din sa bubong at umupo na doon. Habang binabaybay namin ang daan patungong Sta. Ines ay namangha ako sa kagandahan ng kalikasan at naglalakihang mga bulubundukin. Pakiramdam ko ay galing ako sa isang magulong mundo at biglang pasok sa isang Star Gate na ang kalalabasan nito ay sa isang paraiso. Patuloy ang byahe at habang nasa bubong ay may nakita akong ilog. Yun pala ang ilog na dadaan ng dyip para makatawid sa kabilang daan. Ito ay higit kumulang siyam na beses namin mararasan ang pagtawid ng dyip sa mga ilog. Pagdating namin sa Sta. Ines ay akala ko yun na ang lugar ng Sitio Nayon. Yun pala ay lalakarin pa namin ng kalahating oras papunta dun. Habang naglalakad ay napansin ko ulit ang ilog. Ano naman ang gagawin namin? Yun pala ay tatawid kami sa ilog na iyon na hanggang bewang ang lalim. Bitbit ko ang aking mga gamit sa magkabilang braso. At nang patawid na kami sa ilog ay naramdaman ko na malakas ang agos na tumangay sa aking tsinelas. Dahil don naglakad ako ng nakapaa at sa sobrang lubak at mabatong daan ay dama ko ang sakit. Pilit kong tinitiis ang sakit hanggang sa marating namin ang lugar ng Nayon.    

Abangan ang susunod na kabanata...:)

8 comments:

  1. indeed teachers are really heroes

    ReplyDelete
  2. hoy! Tinabunan mo b yan? hehheheh...

    ReplyDelete
  3. sir sa susunod na kabanata my LRT/MRT n no hassle sa workplace....la n nga lng hardship....

    ReplyDelete
  4. Di ako bago dyan sir naranasan ko rin yan. una una lang he he he...

    ReplyDelete
  5. sir ganda naman ng lugar na yan, paki tabunan n lng pag katapos. joke lng.

    ReplyDelete