Thursday, February 7, 2013

Mga Katutubong Dumagat

Ito na ang aking pinakahihintay na sadali nang pagiging guro. Ang Paaralang Elementarya ng Nayon ay isang masaya at kapupulutan ng aral na lugar na malayo sa magulong mundo ng Maynila at kabayanan. Tila isa itong tagong lugar na nababalutan ng mga totoong pangyayari sa paaralan man o sa komunidad. Nang magsimula akong magturo dun ay napansin ko na ang mga bata ay kinabibilangan ng mga katutubong Dumagat at mga remontados maging may mga katulad din nating walang lahing katutubo. Ngunit sa kabila ng lahat ng aking karanasan ay tila nakikita ko ang pagbabago lalong-lalo na sa ating mga katutubo. Sila ay tunay na dapat na mabigyan ng pansin sa pag-aaral lalo na't walang gaanong katulad nila ang nakapagtatapos ng magandang kurso at mamuhay ng matiwasay. Kaya buhat ngayon ay patuloy namin silang pinapapayuhan na mag-aral ng mabuti at ng makatapos sa pag-aaral. Sana balang araw ay may lumapit sa akin na katulad nila na ipinagmamalaki at maging katulad din naming mga guro na hadang suungin ang anumang pagsubok maihatid lamang ang kaalaman at maisakatuparan ang bawat pangarap ng kanyang magiging estudyante.

I want to marry you..


A Moments of Love

Wednesday, February 6, 2013

Ang Simula

Nagsimula ang lahat ng ako'y nagpasyang magturo sa Elementarya. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa isang lugar sa Sta. Ines. Wala akong kaalam-alam sa kung saan ang Paaralang Elementarya ng Nayon. Pagkaalis ko sa bahay at pumunta na ako sa paradahan kung saan aabangan ko ang isang biyaheng dyip na patungong sa lugar na iyon. Nang dumating na ang dyip, ako ay nagulat sa mga taong nakasakay sa taas ng bubong. Subalit wala akong magawa kundi sumampa din sa bubong at umupo na doon. Habang binabaybay namin ang daan patungong Sta. Ines ay namangha ako sa kagandahan ng kalikasan at naglalakihang mga bulubundukin. Pakiramdam ko ay galing ako sa isang magulong mundo at biglang pasok sa isang Star Gate na ang kalalabasan nito ay sa isang paraiso. Patuloy ang byahe at habang nasa bubong ay may nakita akong ilog. Yun pala ang ilog na dadaan ng dyip para makatawid sa kabilang daan. Ito ay higit kumulang siyam na beses namin mararasan ang pagtawid ng dyip sa mga ilog. Pagdating namin sa Sta. Ines ay akala ko yun na ang lugar ng Sitio Nayon. Yun pala ay lalakarin pa namin ng kalahating oras papunta dun. Habang naglalakad ay napansin ko ulit ang ilog. Ano naman ang gagawin namin? Yun pala ay tatawid kami sa ilog na iyon na hanggang bewang ang lalim. Bitbit ko ang aking mga gamit sa magkabilang braso. At nang patawid na kami sa ilog ay naramdaman ko na malakas ang agos na tumangay sa aking tsinelas. Dahil don naglakad ako ng nakapaa at sa sobrang lubak at mabatong daan ay dama ko ang sakit. Pilit kong tinitiis ang sakit hanggang sa marating namin ang lugar ng Nayon.    

Abangan ang susunod na kabanata...:)